Trak

Truck driver nakasagasa, nakapatay ng tumatawid

281 Views

TODAS ang lalaki na nasagasaan ng truck habang tumatawid sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Naaresto ang 26-anyos na truck driver na si alyas Symon, ang nakasagasa at nakapatay sa biktima.

Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang aksidente sa Belfast Avenue, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Tumatawid umanp ang biktima nang mabundol ng truck at nang duguang bumulagta sa halip na tulungan at dalhin sa ospital tinakasan pa ito ng driver patungo sa Mindanao Avenue Extension.

Isinugod ng ambulansya sa Novaliches District Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Matapos suriin ang CCTV footage sa lugar ng aksidente ay nagtungo ang mga operatiba sa Land Transportation Office (LTO) at nalaman na nakarehistro ang truck sa isang Leopoldo na may-ari ng HandyLeo Trucking Company

Sa pakikipagtulungan ng may-ari, naaresto ang driver at narekober ang truck sa HandyLeo Trucking Company, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.