Debris

QC kakasuhan responsable sa pagkasawi ng 1 sa 3 estudyanteng nabagsakan ng debris sa QC

268 Views

Debris1LUBOS na nakikiramay ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pamilya ni CJ Baldonado, na binawian na ng buhay matapos mabagsakan ng palitada mula sa ginagawang condominium sa Tomas Morato noong Agosto 12.

Napakasakit at napakabigat ng trahedyang ito. Tinitiyak namin sa pamilya at sa publiko na gagawin ng Pamahalaang Lungsod ang lahat ng nararapat upang makamit ni CJ at ng dalawa pang batang naapektuhan ng insidente ang hustisya.

Ang Social Services Development Department (SSDD) ay nakikipag-ugnayan na sa pamilya upang agad na maipaabot ang kinakailangang tulong.

Kasabay nito, isinasapinal na ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Pamahalaang Lungsod ang kasong kriminal at administratibo para mapanagot ang pinaniniwalaang mga responsable sa pangyayari.

Handa rin ang lokal na pamahalaan na ibigay ang lahat ng tulong para sa pamilya sa anumang hakbang na nais nilang isagawa.

Hinihikayat namin ang lahat na ipagdasal ang agarang paggaling ng iba pang biktima at bigyang-lakas ang mga pamilyang naapektuhan.

Makakaasa kayo na gagawin ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng aming makakaya upang hindi na maulit ang ganitong uri ng kapabayaan.

Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat QCitizen, lalo na ng ating mga kabataan, ay nananatiling pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Lungsod.