Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Nation
COMELEC opisyal na binasura registration ng Duterte Youth
Peoples Taliba Editor
Aug 29, 2025
223
Views
OPISYAL nang inalis ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang registration ng Duterte Youth Party-list matapos ang botohan na nagresulta sa 5-1-1. Dahilan nito ang kakulangan ng grupo sa pagsunod sa mga rekisitos ng poll body, partikular sa publication at hearing ng kanilang aplikasyon para sa party-list accreditation.
Noong 2025 Midterm Elections, pumangalawa ang Duterte Youth sa may pinakamataas na boto na umabot ng higit 2.3 milyon. Tatlong puwesto sa Kongreso ang sana’y makukuha ng grupo, ngunit hindi sila naiproklama dahil sa mga nakabinbing kaso laban sa kanila.
Gayunpaman, may opsyon pa ang naturang party-list na umapela sa Korte Suprema at humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) upang kwestyunin ang desisyon ng COMELEC.
Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026

