Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Kano Ang dayuhan na naaresto matapos magwala at manguha ng cross wrench sa jeepney driver sa Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Kano nalasing, namitik ng cross wrench tiklo

Jon-jon Reyes Sep 4, 2025
275 Views

HIMAS-rehas na bakal ang 46-anyos na Amerikano ng kunin ang cross wrench ng jeepney driver noong Huwebes sa corner ng Escolta at Burke St., Sta. Cruz, Manila.

Nagpasaklolo ang tsuper sa mga barangay tanod ng Brgy 291, Zone 27 kaya nahuli ang lasing na suspek na si John Alex na taga-Nevada, US.

Ayon sa complainant na si Rizaldy Olesco, 49, bandang alas-12:00 ng hatinggabi naganap ang pangyayari sa naturang lugar.

Biglang binitbit ng Kano ang cross wrench at naglakad habang nagsisisigaw sa gitna ng kalye.

Kasong theft, alarms and scandal at resistance and disobedience to a person in authority ang ikakaso sa suspek.