AYA Nakipag-pulong si Imus City Mayor Alex Advincula sa mga residente ng Barcelona sa Brgy. Buhay na Tubig sa paglulunsad ng AAksyon caravan noong Sept. 8.

Imus nagkaroon ng AAksyon caravan

Dennis Abrina Sep 9, 2025
286 Views

AYA1IMUS, Cavite–Dumalo si Imus City Mayor Alex “AA” Advincula sa paglulunsad ng programa Imus–ang AAksyon Caravan noong Setyembre 8 sa Barcelona III covered court sa Brgy Buhay na Tubig.

Layunin ng programa na maihatid sa bawat barangay ang mga serbisyong panlipunan, medikal at legal sa lahat ng Imuseño. Tinatayang mahigit 1,000 residente ang nakilahok sa unang araw ng caravan.

Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ay ang libreng legal na konsultasyon at notaryo ng Office of the City Legal Officer at ang libreng late birth registration ng Office of the City Civil Registrar.

Hatid ng mga doktor ng Office of the City Health Officer at Ospital ng Imus ang libreng konsultasyong medikal at gamot.

Handog naman ng tanggapan ni Cavite Third District Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang libreng pustiso, konsultasyon sa mata, reading glasses at operasyon sa katarata.

Kasama rin dito ang mga serbisyo ng Office of the Senior Citizens Affairs, Office of the Persons with Disability Affairs Officer, Office of the City Social Welfare and Development Officer.