Vice Mayor Chi Atienza Vice Mayor Chi Atienza

Manila magkakaroon ng cancer center, food park

Edd Reyes Sep 12, 2025
455 Views

PASADO na sa Maynila ang pagtatayo ng kauna-unahang cancer center na pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan at paglikha ng bagong parkeng pangkabuhayan sa distrito ng Sampaloc.

Sinang-ayunan ni Vice Mayor Chi Atienza ang resolusyong inakda nina Councilors Atty. Jaybee Hizon, Raymundo Yupangko, Bobby Espiritu, Anthony Ignacio at Rafael Borromeo na magbibigay pahintulot sa paggamit ng lote ng lungsod sa loob ng Ospital ng Maynila complex upang ilaan sa pagtatayo ng cancer center.

“I also would like to manifest my full support for this project of our dear beloved Mayor Isko Moreno and Congressman Irwin Tieng,” paliwanag ni VM Atienza.

Inilarawan ni Mayor Isko Moreno ang cancer center na proyekto na may layuning pagkalooban ng access, mataas na kalidad at abot-kayang cancer facility ang mga Manileño.

Bilang suporta naman sa lokal na pagnenegosyo, inaprubahan din ni VM Atienza ang resolusyong nagtatatag ng “Fusion Alley,” isang panggabing food park sa University Belt na gagawing sentro ng kalakalan.