Obrero Kinilala ni Police Lieutenant Col. Arwen Nacional, commander ng MPD Barbosa Police Station 14, ang suspek na may kasong frustrated murder matapos na maaresto ng mga operatiba sa Gen.Trias, Cavite. JONJON C. REYES

Obrero nagtago ng 15 taon dahil sa kasong frustrated murder, tiklo

Jon-jon Reyes Sep 13, 2025
428 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Barbosa ang 43-anyos na lalaki dahil sa kaso nitong Frustrated murder matapos matunton noong hapon ng Biyernes sa kahabaan ng Manalo Road Brgy. Navarro, Gen. Trias, Cavite.

Nakilala ang suspek na si alyas Edmer, binata, construction worker, at kasalukuyang naninirahan sa Manalo Road corner Kaunlaran St. Brgy. Navarro Gen. Trias, Cavite.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD Barbosa Police Station14, bandangf 1:30 ng hapon ng maispatan ang suspek sa nasabing lugar,.

Dahil dito, ipinatupad ng operatiba ng Warrant and Subpoena Section, Barbosa Police sa pangunguna ni PCapt. James F Dumangas, na nag-resulta sa pag-aresto sa suspek matapos isilbi ang warrant nito sa kasong frustrated murder.

Ang warrant ay inisyu ni Judge B. Albert J Tenorio Jr., ng Regional Trial Court Branch 14 ng Maynila. Inirekomenda ang piyansang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ang suspek ay pansamantalang nakakulong sa Barbosa Police Station habang inihahanda ang naaangkop na dokumentasyon bago ibalik ang Warrant of Arrest sa pinanggalingan ng korte.