Calendar
Dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers,
Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez
Desisyon ni Romualdez patunay na hindi siya ‘kapit tuko’ sa puwesto – Barbers
ISANG dating mambabatas mula sa Mindanao ang nagpugay kay Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang boluntaryong pagbibitiw sa puwesto upang mapangalagaan ang integridad at katatagan ng Kamara at bigyang kalayaan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na maisagawa ang mandato nitong siyasatin ang mga umano’y iregularidad sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan.
Ayon kay dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na naging Chief Communications Officer ni Romualdez, bagama’t nakikiramay siya sa naging desisyon ng dating Speaker, kanyang pinuri ito at sinabing pinatutunayan lamang nito na hindi siya “kapit tuko” o mahigpit na kumakapit sa kanyang posisyon.
“Sa kanyang boluntaryong pagbibitiw, labis akong napahanga sa pagkatao ng ating Speaker sapagkat ito’y isang pagpapatunay na ‘di siya kapit tuko sa kanyang posisyon at handa siyang magsakripisyo huwag lamang masira ang respeto at integridad ng House of Representatives bilang institution, kabilang na ang mga kasapi nito,” ani Barbers.
Ibinunyag din ni Barbers, dating chairperson ng House committee on dangerous drugs at lead chair ng quad committee, na ilang araw bago nagdesisyon si Romualdez na magbitiw, ilang senior leaders ng iba’t ibang partidong pampolitika sa Mababang Kapulungan ang nagtungo sa kanyang opisina at hinimok siyang manatili sa gitna ng hindi makatarungang mga panawagan mula sa kanyang mga kritiko na siya’y magbitiw.
“I knew that for a fact because I was there. All of those present in that meeting were concerned on who would replace him, somebody who has same stature that he has who could unify the majority of the members of the chamber,” paliwanag niya.
Sa kanyang talumpati sa plenaryo ng Kamara noong Martes, sinabi ni Romualdez, kinatawan ng 1st District ng Leyte, isang abogado at nagtapos sa University of the Philippines: “Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of Representatives. I do this so that the Independent Commission on Infrastructure may pursue its mandate freely and fully — without doubt, without interference, and without undue influence.”
Sinabi ni Romualdez na buong puso at walang pag-aalinlangang tinatanggap niya ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong kanyang State of the Nation Address (SONA) ng Hulyo “that accountability must prevail and that no one is above scrutiny.”
Ayon kay Romualdez, ang mga alegasyon ng iregularidad sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan ay nagdulot ng mga katanungan hindi lamang laban sa kanya kundi pati na rin sa mismong Kamara.
“The longer I stay, the heavier that burden grows — on me, on this House, and on the President I have always sought to support. And so, after deep reflection and prayer, I have made the decision,” aniya. “Let the truth emerge, and let justice be done.”
Pinalitan si Romualdez ni Isabela 3rd District Rep. Faustino “Bojie” Dy III, dating House Deputy Speaker at miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Marcos Jr.
Matapos makakuha ng kabuuang 253 boto mula sa mahigit 314 miyembro ng ika-29 na Kongreso, sinabi ni Barbers na ang bagong House Speaker, tulad ni Romualdez, ay nakikitang isang coalition builder at titiyaking magiging maayos ang transisyon sa Mababang Kapulungan.
“Speaker Bojie Dy is a veteran politician who is expected to steer the Lower House to the right path and regain public confidence to the recently maligned institution. With his lengthy political experience, serving as vice-mayor and later Mayor of Cauayan, Isabela; as Isabela vice-governor and later Governor, and as Congressman of the 6th District of the province, the new House Speaker, I believe, is the best choice as Speaker Romualdez’s replacement,” aniya.

