Calendar
Ang larawan ng biktima habang kasama nito ang kanyang mga alagang aso bago ang aksidente sa Osmeña Highway sa San Andres Bukid, Malate, Manila. JONJON C. REYES
Kariton ng pusa, aso nasalpok ng sasakyan, may-ari tepok
PATAY ang 39-anyos na lalaking dog at cat lover matapos salpukin ng Mitsubishi Canter sa northbound ng Osmeña Highway sa Zobel Roxas St., Brgy. 769, San Andres Bukid, Maynila noong martes.
Nakilala ang biktima na si alyas Cholo at nakakulong naman ang driver-suspek na nakabanga na si alyas Joey, 59, ayon sa report..
Bandang alas-8:56 ng gabi ng makatanggap ng tawag sa telepono si PSSg Pineda mula kay PSSg Marvin Beriña na nag-ulat kaugnay ng aksidente.
Pagdating sa lugar ng pinangyarihan, walang nakitang senyales ng anumang aksidente sa sasakyan sa lugar.
Nang maglaon bandang 11:26 ng gabi muling nakatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya na nag-uulat ng isang biktimang sangkot sa aksidente sa sasakyan sa kahabaan ng Osmeña Highway na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH).
Batay sa imbestigasyon, isang Mitsubishi Canter (CAH 2420) ang nakasalpok sa pedestrian na nagtutulak ng kahoy na kariton na may mga sakay na mga aso at pusa.
Tumilapon ng ilang metro ang tao pati ang kariton na may mga sakay na aso at pusa.
Humingi ng tulong sina PSSg Ocampo at Pat Dulatre para madakip ang driver na sangkot sa aksidente.
Ang biktima ay idineklarang patay pasado alas-10:21 ng gabi sa Philippine General Hospital ni Dr. Maria Isabel Salvador habang ang nadakip na suspek ay itinurn-over sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU).

