Maynila

Maynila nagbukas ng Global Pinoy market

Edd Reyes Sep 19, 2025
357 Views

PINANGUNAHAN ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang pagbubukas ng Global Pinoy mini market noong Huwebes sa Kartilya ng Katipunan sa Manila City Hall.

Kasabay ang pagbubukas ng pagdiriwang ng Manila Tourism and Creative Industries Month na kinatatampukan ng mga likhang sining, pagkaing Pinoy at diwa ng pamayanan, katuwang ang lokal na pamahalaan, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM), at ang Yabang Pinoy at WeeWillDoodle.

Isa sa mga produkto ang mula sa Manila City Jail Female Dormitory (MCJFD) na kinatatampukan ng mga sining na ginawa ng mga persons deprived of liberty (PDLs).

“Tulong natin ‘yan para sa mga nakakulong ngayon. I met them during my visit to the BJMP facility, and I assured them that if a bazaar is organized, we will provide support and assistance,” sabi ni VM Atienza.

Nagpasalamat si Mary Joy Belmonte, kinatawan ng MCJFD, sa bise alkalde sa pagbibigay ng pagkakataong maipakita ang kanilang kaalaman sa paglikha ng sining at iba pang kaalaman.

“When these products are showcased to the public, people see that PDLs can paint, bake, crochet and create beautiful things.

The proceeds go directly to them, which helps them support themselves and their families,” dagdag pa ni Belmonte.

Kabilang din sa mga negosyong panlipunan na ibinebenta sa lugar ang iba’t-ibang parol na nilikha ng Kababaihan ng Maynila Foundation na pinamumunuan ng bise alkalde

“This is a social enterprise. The members of Kababaihan ng Maynila make all products, and all the profits go back to the members,” paglilinaw ni VM Atienza.