Gas

Presyo ng gas, krudo, kerosene tatatas uli

Edd Reyes Sep 19, 2025
612 Views

SISIPA na naman ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Tataas ang presyo ng gasolina ng 70 sentimos kada litro, 35 sentimos sa diesel at 65 sentimos sa kerosene.

Ang naturang pagtaas ay ibinatay ni Assistant Director Rodela Romero ng DOE-Oil Industry Management Bureau sa apat na araw na kalakalan mula Lunes hanggang Biyernes pero posible pang mabago bago ang anunsyo ng mga kompanya ng langis sa Lunes na ipinatutupad ng Martes.

Kabilang sa mga dahilan ng pagsirit ng halaga ng langis ang tensiyon sa Gitnang Silangan at pagpapataw ng taripa ng Estados Unidos sa ilang bansa kasama ang Pilipinas.