Patay Ang biktima na dead on the spot matapos barilin ng riding in tandem. Kuha ni JONJON C. REYES

Nakamotorsiklo pinagbabaril ng RIT, dead on the spot

Jon-jon Reyes Sep 20, 2025
283 Views

RITDEAD on the spot ang isang 56-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na riding in tandem sa kahabaan ng N. Zamora corner Pacheco Streets,Tondo, Manila, Sabado ng umaga.

Ayon sa nakasaksi, bandang 7:40 ng umaga nang tambangan ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo at walang ka abog abog na pinaputukan ng mga suspek na naka suot ng Helmet naka jacket naka maong pants,ang rider at ang backride nito ay naka yelow na pants,rubber shoes na white na may lining na black

Matapos ang ginawang krimen ay mabilis na tumakas sa hindi pa malamang direksiyon ang mga suspek,. bitbit ang ginamit na baril,at iniwang nakahandusay ang hindi pa nakikilalang biktima sa nasabing lugar.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad habang pinag-aaralan ang mga kuha ng CCTV sa lugar para sa agarang ikadarakip sa mga salarin. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril sa bitkima na agarang ikinamatay nito sa Tondo, Manila.