Hontiveros Source: Senator Risa Hontiveros FB page

Kilos protesta paraan para marinig panawagan ng mga mamamayan

614 Views

WAKE UP call para sa lahat ng mga nasa gobyerno.”

Ito ang sagot ayon sa mga senador ng libu-libong Pilipino na nagpakita ng pagkakaisa sa “Trillion Peso March” noong September 21 sa Maynila upang tutulan ang umano’y korapsyon sa mga proyektong flood control ng pamahalaan.

Ito ang pahayag nina Sen. Erwin Tulfo, Sen Francis “Kiko” Pangilinan, kasama sina , Bam Aquino, at Risa Hontiveros bilang tugon sa kaliwat kanan na korapsyon mula sa flood control project na diumanoy sinamantala ng ilang nasa poder sa gobyerno.

Kasama sa mga dumalo sa Misa sa EDSA Shrine bago sumama sa martsa patungong People Power Monument at Luneta ay sina Pangilinan, Aquino, at Hontiveros na nanawagan din ng kahinahunan sa ating mga kababayan.

Ayon kay Pangilinan, ang mapayapang pagkilos ay karapatan sa ilalim ng Konstitusyon at mahalagang paraan para maiparating ang panawagan ng mamamayan. “That is a constitutionally guaranteed right and therefore sa ngayon kinakailangan ipamalas ang ating daing,” aniya. “Wala ring pwersang mas hihigit pa sa usapin ng pulitika pag ang taong bayan na mismo ang naninindigan, tumataya, at kumikilos.”

Dagdag pa niya, nakakaapekto ang kilos-protesta sa mga opisyal na maingat sa kanilang reputasyon: “Dahil alam niyo yung mga politiko mga sensitive rin yan sa ano ang pwedeng mangyari sa kanila—iboboto pa ba sila ulit o hindi? ‘Pag nakita nila ito – e malaking mensahe sa kanila. So dapat lang suportahan ang mga pag kilos na ‘to.”

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patas na imbestigasyon sa Senado, kung saan may ilang miyembro na umano’y sangkot sa iregularidad. “Let us see where the evidence will lead us. Let the evidence lead us to a conclusion kaya importante rin ang mga hearing na ‘to,” sabi niya. Hinimok din niya ang publiko na ipagpatuloy ang mapayapang pagkilos: “’Wag tayong magbibitiw. Tuluy tuloy lang itong peaceful mobilizations dahil yan ang pinaka ‘katiyakan’ na makikinig ang ating mga naka upo.”

Babala niya, may direktang epekto ang korapsyon sa mamamayan: “Corruption isn’t abstract—especially when it exploits people and even costs lives. Do not let this moment pass without change.

This is the moment to turn outrage into reforms, so it will not be buried in bureaucracy or politics.” Idinagdag niya na mahalaga ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor—estudyante, simbahan, celebrities, at mga karaniwang mamamayan—upang maitulak ang reporma. “This march is just the beginning of a longer fight for transparency and accountability. I hope we stand together until justice is won.”

Sa isang pahayag noong parehong araw, sinabi rin ni Sen Erwin Tulfo na malinaw ang mensahe ng mga pagkilos laban sa pamahalaan. “Loud and clear!!! We all need to fix our work in the government and avoid falling into corruption,” aniya. Giit niya, ipinakita ng protesta na “they are watching and they are tired of corruption,” sabay paalala sa mga pinuno na “shape up or we will take control.”

Nanawagan siya sa mga opisyal at contractor na isauli ang pondong umano’y nawaldas sa ghost at substandard flood control projects. “It’s as if they held up or pickpocketed poor Juan just to buy their luxuries,” dagdag niya. Sinabi pa ni Tulfo, “September 21, 2025 should be the last day of corruption in the government.”

Sa hiwalay na pahayag, nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na manatiling may pag-asa ang taumbayan at magkaisa sa adhikain at paniniwala. Giit niya, ang pagtutulungan at pagpupunyagi ang susi sa pagsusulong ng reporma.