Tulfo

Sen. E. Tulfo: Pondo para sa pag-kontrol ng baha mas mainam na mapunta sa mga mahihirap

281 Views

TAMA daw ang naging desisyon ni Pangulong Marcos Jr. na ilipat na lang ang P36 billion flood control fund sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naghihirap at walang kabuhayan na mga mamamayan.

Ito ang sinabi ni Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development sa isang panayam nitong Sabado.

“Instead nga naman na mapunta lang sa bulsa ng mga DPWH officials, contractors at politiko, mas mainam na mapunta na lang sa mga mahihirap ang pondong ito,” ayon kay Senador Tulfo.

“Kasi pag-DSWD ang pondo, derecho sa mga tao at hindi na nahahawakan ng mga poljtiko o opisyal o kontraktor ang pera,”ani Tulfo na dating DSWD Secretary.

Nais ng Pangulong Marcos na ilaan ng DSWD ang pondo sa Assistance for Individual in Crisis Situation o AICS at sa Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ang AICS ay isang programa ng DSWD para sa mahihirap for emergency purposes tulad ng pambili ng gamot, pambayad sa ospital, palibing, pamasahe at iba pa.

Ang SLP naman ay pangkabuhayan na P15,000 na binibigay ng DSWD sa isang komunidad para may pagkakakitaan ang mga tao doon.

“I believe kung maraming mabibigyan na walang hanap buhay ng SLP ng DSWD, malaking maitutulong o ambag sa ekonomiya natin thru this small business enterprise “, saad ng Senador.

“I think money well spent yan kung maraming mabibigyan ng livelihood ang DSWD”, pahabol pa ng mambabatas.