Calendar
PRO-4A inaresto 5 parak na nagpaputok ng boga
LIMA sa sinasabing anim na pulis na nagpaputok ng baril ang nasa kustodiya na ng Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) ng Batangas Police Provincial Office pero nakatakas ang isa kaya hindi nahuli ng mga pulis ng Police Regional Office (PRO)-4A.
Kumalat ang mga post sa social media na diumano’y nagpapakita ng pagtitipon sa kaarawan kung saan narinig ang mga putok ng baril ng mga pulis.
Ang mga service firearm ng mga nasa kustodiya ng PRO-4A isinuko na ng mga pulis para sa ballistics at cross-matching.
Patuloy ang karagdagang imbestigasyon upang matukoy ang buong pananagutan at malaman kung may iba pang indibidwal na sangkot.
Bukod pa rito, inatasan ang Regional Civil Security Unit 4A na beripikahin kung ang mga nasabing tauhan ng PNP ay rehistradong may-ari ng anumang kalibre ng baril bilang bahagi ng imbestigasyon, ayon kay PRO-4A chief P/BGen. Paul Kenneth Lucas.

