Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Kelot ligtas sa pamamaril; bebot utas
Bernard Galang
Sep 29, 2025
390
Views
LUBAO, Pampanga–Patay ang isang babae habang sugatan ang isang lalaki noong Linggo matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang kumakain sa kanilang bahay sa Brgy. Concepcion ng bayang ito.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ang nasawi na si Eleonor Matic habang sugatan naman si Jefferson Chavez, 41.
Batay sa imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng gabi kumakain ang mga biktima nang biglang pumasok ang mga armadong salarin at pinaputukan sila.
Agad na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon.
Dinala ang mga biktima sa Escolastica Romero District Hospital sa Lubao, ngunit idineklarang dead-on-arrival si Matic.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

