Calendar
Source: FB post
RIDER DEAD ON THE SPOT SA RIT
DEAD on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem na umagaw sa kaniyang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezom City nitong Martes ng umaga.
May taas na 5′ 2″, nakasuot ng asul na t-shirt at pantalon at may gamit na itim na helmet nang matagpuan ang biktima sa harap ng
Meriam College, Brgy. Loyola Height, Quezon City.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ni PMSg Jerome A Co ng Quezon City Police District-Anonas Police Station 9 na nakatanggap sila ng tawag hinggil sa lalaking nakahandusay sa nabanggit na lugar.
Agad na rumesponde ang Anonas Police Station 9 sa pangunguna ni PLtCol. Leonie Ann Dela Cruz sa lugar at nakitang patay na ang biktima.
Nakita ring may mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima.
Ayon sa mga testigo, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Katipunan Avenue nang biglang agawin ng riding in tandem ang kaniyang motorsiklo.
Bago tumakas ay pinagbabaril pa umano ng nga suspek ang biktima.
Magsasagawa naman ng back tracking sa mga CCTV ang pulisya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

