Senate

Sotto: Walang palitan ng liderato sa Senado

323 Views

IGINIIT ni Senate President Vicente C. Sotto III na “stable” ang Senado sa kabila ng mga usap-usapang patatalsikin umano siya, at tiniyak na magiging “transparent and accountable” ang Kamara sa mga imbestigasyon at sa pagtalakay ng 2026 budget.

“Everything will be done through the eyes or within the purview of the people, of the public,” sabi ni Sotto, kasabay ng pag-asang bubuksan ng Independent Commission of Inquiry (ICI) sa publiko ang mga deliberasyon nito at kikilos nang malinaw ang hudikatura: “May mga ma-prosecute, may mga makulong, at may ma-find guilty yung mga guilty.”

Tungkol sa ingay sa social media na may planong palitan ang liderato, sinabi ni Sotto na wala siyang nakikitang pinanggagalingan nito at kamakailan ay nakausap niya si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na umano’y nagsabing wala siyang kinakausap tungkol sa pagpapalit. “I believe him,” sabi ni Sotto.

Kinumpara din ni Sotto na nakausap niya si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng Blue Ribbon Committee, na “frustrated” sa mga puna kung dapat ba siyang magpatawag ng pagdinig. “I will support whatever decision he makes,” sabi ni Sotto, at diin niyang marami sa majority ang nais manatili si Lacson: “Karamihan… sinasabi nila… baka pwede pong makausap si Sen. Lacson… to stay.” Aniya, mas mainam na kay Lacson itanong kung pinal na ang desisyon.

Sa ulat na kakalas umano sa majority si Sen. JV Ejercito, sinabi ni Sotto na “rehash” na ito at naipaliwanag na ang mga isyu. Giit niya, “walang kahit sinong member ng mayorya ang kakalas at this time.”

Tungkol sa takbo ng Blue Ribbon kung magbitiw si Lacson, sinabi ni Sotto na laging “alive” ang komite at maaaring mag-motu proprio ang chairman sa pagdinig. Kapag nagbitiw, ang majority umano ang magpapasya kung sino ang papalit: “We’ll cross the bridge when we get there.”

Ipinaliwanag ni Sotto na sinuspinde ang sesyon noong nakaraang linggo upang tuluy-tuloy ang budget at committee hearings, dahil ang 2026 General Appropriations Act ang “single most important piece of legislation to be passed.” Ayon sa kanya, mag-aadjourn ang House sa October 13 at ang Senado naman ay sa October 10 alinsunod sa konstitusyonal na abiso. Dagdag niya, hindi raw iko-certify as urgent ng Pangulo ang budget para mabigyan ng sapat na oras ang pagbusisi. Binigyang-diin din niya ang layuning iwasan ang “unprogrammed funds”: “we will as much as possible and if possible 100% no unprogrammed funds.”

Tiniyak ni Sotto na dadaan sa tamang proseso ang mga imbitasyon at subpoena na hihilingin ng Blue Ribbon—gaya ng sa ilang tauhan ng DPWH: “Magandang explanation, wala ka magagawa.

Hindi maganda… then subpoena kasunod.” Dagdag niya, nananatili ang contempt orders, na nakatutulong sa koordinasyon ng DOJ at ng ICI.

Tinawag ni Sotto na “very far-fetched” ang panawagang mass resignation mula Pangulo hanggang mambabatas, dahil magdudulot umano ito ng “uncertainty and chaos in the political world” at madadamay ang mga opisyal na “walang bad records.”