Calendar
Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
PBBM idiniin na kailangan ng masusing imbestigasyon, sapat na ebidensiya bago mag-aresto
DAPAT suportado ng matibay na ebidensya ang mga kaso kaugnay ng mga anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan upang matiyak na ang tunay na may sala lamang ang maparurusahan, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“You don’t want to go after people who are innocent. Now, we know many of these people are not innocent. But if you’re going to bring them to court, you must have a very strong case,” pahayag niya sa Episode 5 Part 1 ng kanyang podcast na isinapubliko nitong Lunes.
Nagbabala si Marcos laban sa pagmamadali sa pagsasampa ng kaso.
“What will happen? We brought it. Our evidence is incomplete. Our evidence is vague. But we forced it. The case was passed. Can you imagine? I think that would be much, much, much worse,” aniya.
Aminado ang pangulo sa galit ng publiko laban sa korapsyon, ngunit iginiit niya ang kahalagahan ng due process.
“It’s understandable. Because it’s the sins committed—and I call them sins, it’s no longer mistakes or corruption. The sins they committed, it’s hard to swallow. But if we… we are a nation of laws, we have to follow the law. Otherwise, whatever we do is not legitimate,” paliwanag niya.
Nauna nang binatikos ni Pangulong Marcos ang mga iregularidad sa mga proyekto sa flood control, na nagbunsod ng malawak na pagsusuri sa paggastos para sa mga pampublikong imprastruktura.
May ilang grupo na nanawagan ng agarang pag-aresto, ngunit binigyang-diin ng Malacañang ang kahalagahan ng maingat na pangangalap ng ebidensya.

