Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Tsino

Dahil sa pekeng investment scheme, 2 Chinese huli

Jun I Legaspi Oct 6, 2025
342 Views

INARESTO ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese national dahil sa panloloko sa investment scheme a Asean Avenue, Entertainment City, Parañaque noong Setyembre 29.

Isa sa mga naaresto ay si Kong Xiangyu, 36, na natuklasang overstaying

Si Kong ay may kinakaharap na kaso sa Jiutai District Court sa Chang Chun City, Jilin Province, China kaugnay ng ilegal na pangangalap ng pampublikong deposito.

Ayon sa mga awtoridad, nakipagsabwatan siya sa ilang kababayan upang makalikom ng tinatayang 6.54 milyong RMB mula sa 42 mamumuhunan sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na investment scheme mula 2016 hanggang 2019.

Nahuli din si Yang Bing, 53, na may derogatory record at may hold departure order mula sa hukuman sa Parañaque.

Pinuri ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang operasyon.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng ating matibay na paninindigan sa direktiba ni Pangulong Marcos na palakasin ang pagpapatupad ng batas at protektahan ang bansa laban sa mga dayuhang fugitive at hindi kanais-nais na mga banyaga,” sabi ni Viado.