Calendar
Transport groups: Aprubado si DOTr Sec Lopez
NAGPAABOT ng suporta ang ilang transport groups kay Department of Transportation (DOTr) acting Secretary Giovanni Lopez, lalo na sa hakbang ng kalihim na mapunan ang kakulangan sa transportasyon.
Nakipagpulong si Secretary Lopez kina Pasang Masda President Obet Martin, Altodap National President Melencio “Boy” Vargas, Busina National President Marilyn Ramos at ilan pang mga kasamahan sa transport groups kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DOTr na makipagdayalogo sa transport groups para alamin pa ang mga isyung pang-transportasyon.
Nagpapasalamat si Secretary Lopez sa tiwala ng mga transport group at nangakong tutulong ang DOTr para resolbahin ang mga hinaing ng mga transport groups at mapagsilbihan ng mabuti ang mga komyuter.
“Nagpapasalamat tayo sa suporta ng mga kasamahan natin sa hanay ng land transportation,” sabi ni acting Secretary Lopez.
Ilan sa mga usaping tinalakay ay ang paghiling ng transport groups sa kalihim ang utos ng huli sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na resolbahin agad ang route rationalization, aksyunan ang kakulangan ng PUV sa mga rutang maraming komyuter kabilang na ang Commonwealth Avenue at ang umano’y korapsyon sa LTFRB.

