Villar

Sen. Mark welkam kahit anong imbestigasyon

315 Views

HANDA si Sen. Mark Villar humarap sa umano’y imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) na sinasabing sangkot siya, inang si dating senadora Cynthia at Sen. Camille sa mga flood-control controversies.

“I welcome and fully support any investigation into these issues, as I have nothing to hide and believe firmly in accountability and due process,” ayon sa senador.

Nilinaw ni Villar na wala siyang pagmamay-ari o controlling interest sa anumang kompanyang lumalahok sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa kanya, makikita sa opisyal na rekord na wala ni isa sa kanyang mga kamag-anak ang nakakuha ng kontrata mula 2016 hanggang 2021, ang panahon na siya ang kalihim ng DPWH.

“Let me be unequivocal: I have no direct or indirect ownership or controlling interest in any company participating in DPWH projects. The official record will confirm that none of my relatives acquired any contracts from 2016 to 2021, during my tenure as Secretary,” wika ni Villar.

Binigyang-diin niya na nakatuon ang kanyang panunungkulan noon sa mga reporma at sa pagbabalik ng tiwala ng publiko sa kagawaran.

Dagdag ni Villar, pinahusay din nila ang transparency sa mga proyekto gamit ang teknolohiya tulad ng drone monitoring at pag-anyaya sa civil society organizations upang direktang mag-inspeksyon—mula right-of-way acquisition hanggang sa geotagging.

“I have full faith that my service record in those years bears witness to this focus and commitment,” dagdag pa niya.