Dolor

2 lalaban sa robotics competition humingi ng suporta sa Bauan mayor

300 Views

DUMALAW sina Airvin James Medina at Liam Wayne Santos ng Batangas State University Integrated School kay Bauan, Batangas Mayor Wendah Katrina Rivera Dolor upang humingi ng suporta sa kanilang pagsali sa World Robot Olympiad International Finals 2025 sa Singapore sa Nobyembre 25–28.

Bahagi ang dalawang Bauangueño ng Philippine Robotics National Team at magdadala ng karangalan sa bansa mula sa pandaigdigang robotics competition.

Buong suporta ang ipinangako ni Mayor Wendah sa dalawang mag-aaral at ipinaabot ang kanyang pagmamalaki sa kanilang tagumpay,

“Ikinararangal natin na dalawang mag-aaral na Bauangueño ang kabilang sa paligsahan ng robotics,” sabi ng mayor.