Tricycle Source: File photo

Nakaupo sa tricycle todas sa bala

Edd Reyes Oct 17, 2025
163 Views

TIGOK ang 31-anyos na binata nang pagbabarilin habang nakaupo sa tricycle noong Huwebes sa Calamba, Laguna.

Dedo kaagad ang biktimang si alyas Boy sanhi ng mga tinamong bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at tumakas na ang salarin sakay ng motorsiklo.

Sa ulat ng Calamba City police, nakaupo sa loob ng tricycle sa Phase 1, B3, L23, Calambeno, Brgy. Kay-Anlog si alyas Boy nang dumating ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon dakong alas-10:12 ng gabi at pinaputukan ng sunod-sunod ang biktima.

Napalabas ng bahay ang 62-anyos na ama ng biktima nang marinig ang mga putok ng baril at nagulat na laSource: File photong siya nang makita ang duguan at wala ng buhay na anak sa loob ng tricycle.