Dolor

Mayor, vendors nagkasundo sa oras ng pagtitinda

455 Views

KINAUSAP ni Emz Masangcay, pangulo ng Street Food Vendors ng Bauan Public Market, si Mayor Wendah Dolor Katrina Rivera hinggil sa iskedyul ng pagtitinda sa street food section tuwing hapon.

Kasama sa pagpupulong sina Atty. Ava (Municipal Administrator), Rhoda Rosa Dimalibot-OIC Market Supervisor, kasama ang ilang vendors.

Sa naging talakayan, napagkasunduan ng magkabilang panig ang maayos na oras ng pagtitinda upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa pamilihan.

Lubos ang pasasalamat ng mga street food vendors kay Mayor Wendah sa kanyang pag-unawa at pagbibigay-daan sa kanilang mga kahilingan.