Rape

Nanghalay naaresto sa Laguna

Gil Aman Nov 8, 2025
279 Views

ARESTADO ang lalaking suspek sa limang bilang ng panggagahasa sa isang batang babae sa Brgy. Bitin, Bay, Laguna noong Biyernes.

Kinilala ng Bay police ang naaresto na si alyas Ronillo na naaresto bandang alas-5:45 ng hapon dahil sa 5 counts ng qualified rape at sexual assult.

Ipinalabas ni Presiding Judge Rene Devesa Natividad ng Regional Trial Court Branch 107, Los Banos, Laguna ang arrest warrant para sa suspek.

Nakakulong ang akusado sa police station ng Bay.