Calendar
Resort sa Cavite lumiwanag
NAGLIWANAG ang Villa Excellance Beach and Wave Pool Resort sa Sitio Postema, Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite dahil sa binuksang Christmas village noong Nob. 15.
Kumukuti-kutitap na mga ilaw at palamuti ang nasimulang masilayan sa resort na hudyat ng paparating na kapaskuhan.
Tampok din ang isang grupo ng musiko ng tumugtog ng iba’t- ibang musikang pamasko, maskot ni Sta. Claus, cartoon character na si Cocomelon na dimumog ng mga bata upang magpakuha ng litrato.
Nagpakitang gilas din ang Majestic Music Band na kumanta ng masasayang awiting Pamasko.
Hindi rin nagpahuli ang grupong Prominent Dancers na sumayaw ng remix Christmas song kasunod ng fire dancers.
Nakasentro sa bawat pamilyang Pilipino ang tema ng resort ngayong Pasko.
“Ngayong gabi ng ating pagtitipon ay ituon natin ang pansin sa kasiyahang dulot ng isang simple at perpektong pagbabahagi ng munting bagay kasama ang mga kaibigan at pamilya.
Higit sa lahat, sa pagkakataon na ito ay isentro sa ating pamilya ang diwa ng Kapaskuhan, maging ito man ay sa pamilyang pinagmulan mo, sa pamilyang pinili mo o sa mga taong pinakamamahal natin,” sabi ni Melvin Justiniano, resort manager.
Ito na ang ikatlong taon ng pagbubukas ng Christmas lightning sa resort na unang binuksan noong 2023.
“We started this event around 2023. And every November, this officially marks the Christmas season. Ang mismong essence ng lighting is of course, all of us, we have different problems that we have everyday.
So the light up po is somehow to commemorate or somehow to overcome the darkness in our lives,” mensahe ni Carlo Antonio Castro, CEO.

