Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
OTS administrator binisita mga istasyon ng MRT-3
Jun I Legaspi
Nov 18, 2025
677
Views
BINISITA ang istasyon ng MRT-3 ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Gilberto Cruz sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez.
Layunin ng pagbisita na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasaherong pababa mula sa MRT-3 papuntang EDSA dahil sa technical problem bandang alas-6:00 ng umaga noong Martes.
Habang binabaybay ang EDSA papasok sa opisina, napansin ni Cruz ang dami ng tao mula sa Santolan-Annapolis station.
Bumaba ng sasakyan si Cruz upang i-check na patuloy pa rin ang implementasyon ng security measures habang isinasa-ayos ng pamunuan ng MRT-3 ang kanilang operasyon.
Iniutos ni Secretary Lopez ang libreng sakay at mabilis din na-aksyunan ng pamunuan ng MRT-3 ang aberya.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

