Jinkee

Jinkee sinakyan puna na kahawig nya bagong Miss U; sinabing Miss Mexico nawawala niyang kapatid

Ian F Fariñas Nov 21, 2025
548 Views

SINAKYAN ni Jinkee Pacquiao ang trip ng netizens na nagkumpara sa kanya sa katatanghal pa lamang na Miss Universe 2025, si Fatima Bosch ng Mexico.

Aliw ang obserbasyon ng followers ni Jinkee na may malaking pagkakahawig siya sa bagong title holder ng naturang prestigious beauty pageant.

Patol naman kung patol ang misis ng Pinoy world boxing champ na si Manny Pacquiao at talagang ni-repost pa niya sa kanyang Instagram Stories ang mga pagbati sa kanya ng netizens.

Isa ang content creator na si Senyora Official sa mga pasimuno nito.

Aniya, “Congrats Ms @jinkeepacquiao ! You’ve made the Philippines Proud,” sa ipinost na litrato ni Miss Mexico.

Ang isang local pageant page naman, nag-post ng dalawang pictures ni Jinkee na in-edit at nilagyan ng sash na Miss Mexico.

“Road to Miss Universe 2025” ang caption nito.

Ang isa pang Senyora page, naglagay ng litrato ng mga Miss U candidate, kasama si Miss Mexico, at nilagyan ng caption na: “Pero ayaw din talaga patalo ni Ms Jinkee Pacquiao! Pasok din sa Top 12 e noh.”

Ang pinaka-the height sa mga nag-post ay ang Bekis at Pageantry 2.0 na naglagay ng edited picture ni Jinkee kasama ang kakambal na si Janet Jamora at si Bosch sabay sabing: “Dumating na sa Thailand si Jinkee Pacquiao at Janet Jamora para isupport ang isa nilang nawalay na kapatid na si Miss Mexico.” Hahaha!

Lahat ito ni-repost ni Jinkee na mukha namang aliw na aliw din sa ginawang playtime ng netizens.