Calendar
Yorme pinasalamatan ng MPD chief
PINASALAMATAN ni Manila Police District (MPD) director P/BGen. Arnold Abad si Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga suporta at tulong na ipinagkakaloob sa mga pulis.
Sinabi ng BGen. Abad na hindi lamang sa mga pangangailangng pangkasanayan tumutulong si Mayor Domagoso sa kanila kundi pati rin sa pangangalagang ipinagkakaloob sa puwersa ng pulisya.
Dagdag pa niya, mapalad ang Maynila dahil may alkaldeng tulad ni Mayor Isko Moreno na handang kumalinga at magbigay ng suporta sa mga pulis.
Nagpasalamat din ang alkalde sa mga opisyal at tauhan ng MPD na katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng ligtas at panatag na pamayanan.
“To General Abad, congratulations. To the men and women, uniformed personnel of the Manila Police District — our crime efficiency rate grows to 9.2% in crime solution through the leadership of Gen. Abad at ng mga opisyales ng MPD,” sabi ni Yorme Isko.

