Scamming Nagsalita si NBI Director Angelito Magno kaugnay sa operasyon sa isang cyber-scamming hub na binuwag sa Paranaque at nagresulta sa pagkakaaresto sa isang Chinese national. JONJON C. REYES

Scamming hub nabuking, nabuwag

Jon-jon Reyes Nov 27, 2025
392 Views

NABUWAG ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang isang cyber-scamming operation sa Parañaque City noong Biyernes at naaresto ang Chinese nstional na si Li Zhenjie.

Naaresto si Li dahil sa paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act, ayon sa report

Ang nasabing salarin ay iniulat na gumagamit ng mga spoofed contact number, nagpapanggap na ahente ng New Haven Police Department sa Connecticut, USA at FBI.

Hihilingin nila sa kanilang mga biktima sa United States ang mula $3,000 hanggang $5,000, sa isang account sa ilalim ng alyas na “General” kapalit ng hindi pag-isyu ng kathang-isip o gawa- gawa lamang na online na warrant of arrest sa buong bansa.

Dahil dito, humingi ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) ang mga ahente ng NBI-CCD para sa target na condominium unit kaya nahuli ang suspek.

Sinabi ni OIC Director Atty. Angelito Magno na ang operasyong ito ay malinaw na nagpapakita ng epektibo at hindi natitinag na pangako ng NBI sa paglaban sa cybercrime.

Tiniyak niya sa publiko na ang NBI ay nananatiling walang humpay sa pagtugis sa mga salarin na ito at nagbigay ng matinding babala:

“Ang NBI ay palaging isang hakbang sa unahan ng mga naghahangad na pagsamantalahan ang publiko sa pamamagitan ng cybercrime, na muling pinagtitibay ang dedikasyon ng ahensya sa kaligtasan ng publiko,” sabi ni Magno.