NTA

NTA inutos inventory, inspection ng mga bodega ng tabako

Cory Martinez Nov 30, 2025
372 Views

INIUTOS ni National Tobacco Administration (NTA) Belinda Sanchez ang inventory at inspeksiyon sa mga bodega ng tabako upang mapanatili ang integridad ng supply chain ng tabako, kabilang ang lokal na ani at inaangkat na raw materials.

Ayon kay Sanchez, parte ang utos na ito sa pangako ng ahensya sa pagsunod ng industriya at pagpapalakas ng regulasyon sa kalakalan, at dokumentasyon ng tabako.

Layunin din ng mga imbentaryong ito na mapahusay ang transparency, mabawasan ang ilegal na kalakalan ng tabako, at maprotektahan ang mga magsasaka at iba pang stakeholders ng industriya.

“Ang mga imbentaryong ito ay nagsisiguro na ang lahat ng produktong tabako na nakaimbak o kinakalakal sa bansa ay sumusunod sa mga regulasyong kinakailangan, kabilang ang mga permit, dokumentasyon, at wastong pamamaraan ng paghawak.

Mahalaga ito upang maprotektahan ang ating mga magsasaka, mamimili, at ang industriya sa kabuuan,” ani Sanchez.

Pinamumunuan ni Atty. Robert Ambros, hepe ng Regulation Department ng NTA, ang inspeksiyon sa mga pasilidad ng mga bodega ng tabako upang tiyaking sumusunod ang mga ito sa regulasyon.

Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng makatarungang mga patakaran sa kalakalan, pinangangalagaan ng NTA ang mga magsasaka laban sa hindi patas na manipulasyon sa merkado at sinusuportahan ang katatagan ng sektor ng tabako.

“Nananatiling nakatuon ang NTA sa pagsiguro na ang lahat ng tabakong kinakalakal sa bansa ay lehitimo, maayos ang dokumentasyon, at sumusunod sa mga pamantayang nagpoprotekta sa parehong mga magsasaka at mamimili,” sabi nga abogado.