Ibay Nagbigay ng pahayag si Negros Island Region director P/BGen. Arnold Thomas Ibay kaugnay sa pagkakatimbog sa mga suspek.

Ibay pinaigting kampanya vs illegal droga; 2 huli

Jon-jon Reyes Dec 12, 2025
313 Views

ARESTADO ang 52-anyos na babae at nasabat ang 105 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P714,000 sa Purok Lampirong, Barangay 2, Bacolod City noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si alyas Jonalyn, ayon sa report na nakarating kay Negros Island Region director Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay.

Bandang alas-8:38 ng gabi ng inilatag ang buy-bust sa pamumuno ni PLt. Col. Antonio Benitez Jr., chief ng CDEU, kasama si PLT. Richard Legarda na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Swak din ang 33-anyos na livestock vendor matapos masamsam ang mahigit P428,400 ng shabu ng mga operatiba ng Drug Enforcement Group-Special Operation Unit ng Negros Island Region noong Biyernes.