Batangas

Batangas City cop chief pinarangalan

272 Views

BATANGAS CITY–Tumanggap ng award dahil sa pagsusumikap at pagiging tapat sa serbisyo si P/Lt. Col Ira Morello, officer-in-charge ng Batangas City police.

Ayon sa Philippine National Police, nagtakda ng mataas na pamantayan ang hepe ng pulis para sa iba na dapat sundan.

“Patuloy siya sa kanyang kahanga-hangang trabaho at gumagawa ng pagbabago lalo sa pangangalaga ng peace and order sa nasabing siyudad,” sabi ng PNP.