Baco

Baco folk tumanggap ng Pamasko sa PRO-4B

Christian Supnad Dec 13, 2025
150 Views

CAMP BGEN EFIGENIO NAVARRO, Calapan City–Nagkaroon ng “Pamaskong Handog para sa mga Kapatid na Mangyan” ang Police Regional Office (PRO)-4B sa pamumuno ni P/BGen. Jovencio Badua Jr. sa Alangan Mangyan community sa Brgy. Sta. Rosa 1, Baco, Oriental Mindoro noong December 12.

Ang event, na pinakinabangan ng 100 families, ay isinagawa sa suporta ng Regional Chaplain Service (RCS), Lakan MIMAROPA Chapter, Special Action Force (SAF) at Baco police.

Ilan sa mga programa ay ang outreach kasama ang “feeding activity, distribution of food packs and slippers, free haircut services at community engagement activities,” ayon kay Gen. Badua.

“Christmas is a time for giving and sharing, reaffirming the PNP’s unwavering commitment to serve, protect, and support indigenous communities.

Ang pamaskong handog na ito ay munting tanda lamang na hindi kayo kailanman nalilimutan ng inyong kapulisan,” sabi ni Gen. Badua.