Laurel

DA sec natuwa sa pagdoble sa FMR construction budget

Cory Martinez Dec 20, 2025
163 Views

TINANGGAP ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang desisyon ng Kongreso na doblehin ang pondo para sa konstruksiyon ng mga farm-to-market road (FMR) projects.

Itinuturing ni Tiu Laurel na “game-changing investment” ang pagdoble sa pondo para sa FMR construction para sa mga magsasaka, food supply chain at rural economy.

Sa ilalim ng spending plan na inaprubahan ng bicameral conference committee, gagawing P33 bilyon ang pondo para sa FMR, mas mataas mula sa orihinal na mungkahing P16 bilyon para sa 2026.

Ang dagdag pondo na pinursige ng Mababang Kongreso ay ilalaam sa pagpapalawig ng road access sa maraming farming communities at mapabilis ang pagpapaunlad ng agrikultura sa mga kanayunan.

Simula taong 2027, nasa ilalim na ng responsibilidad ng ahensiya ang lahat ng konstruksiyon ng mga FMR na dating nasa jurisdiction ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Tiu Laurel, inihahanda na ng DA ang mga batayan sa tamang pamamahala sa mga FMR project.

Kabilang dito ang pagpapalakas ng engineering capacity ng ahensya, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensya at paghikayat sa partisipasyon ng publiko upang matiyak na makumpleto ang mga proyekto ayon sa tamang oras at espisipikasyon.

Nagtatag din ang ahensya ng isang infrastructure projects watchdog at magpapakalat din ng digital monitoring portal upang mapalakas ang transparency at accountability para sa mga road project.

Sinabi pa ni Tiu Laurel, batay unang pagtaya, makaka-deliver ang DA ng mas mababang gastusin sa 20 porsiyento kaysa sa average na P15 milyon per kilometer ng DPWH.

“With a P33-billion budget, we can build about 2,750 kilometers of farm-to-market roads that will lower production and transport costs, raise farmers’ incomes, and help bring down food prices for consumers,” ani Tiu Laurel.

Tiniyak ni Tiu Laurel sa mga mambabatas na tanging mga lehitimong at mga malinis na tinukoy na FMR projects ang ipapagawa ng DA.