Huli Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional ang mga suspek sa pagnanakaw at pagdadala ng baril na natimbog sa San Andres Bukid, Manila. JONJON C. REYES

Dahil sa pagnanakaw, baril, 2 tiklo sa Manila

Jon-jon Reyes Dec 22, 2025
609 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)- Sta. Ana Police Station 6 ang dalawang suspek sa kasong pagnanakaw at pagdadala ng baril na walang lisensya sa 2070-C Batangas Line, Brgy. 800, San Andres Bukid, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Jernell, 46; at Aileen, 46, ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD Sta Ana Police Station 6.

Ayon sa biktimang si Rod, 38, nanakawan siya at hindi alam ang saların.

Inatasan ni PLt. Col. Nacional ang kanyang mga pulis na magsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober ng mga pulis ang isang cal .45 pistol, magazine, 3 ammunition at P200 na bahagi ng mga ninakaw sa biktima.

Narekober din ng mga awtoridad sa mga suspek ang 1 bag na nagkakahalaga ng P2,500, isang gold plated Swatch wristwatch na nagkakahalaga ng P7,000 at isang cal .45 pistol case.