Ibay Kinilala ni Police Brig.General Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region police, ang suspek na nahuli sa Ilegal na droga sa Negros Oriental.

Milyong halaga ng shabu nakuha sa naarestong tulak

Jon-jon Reyes Dec 23, 2025
345 Views

SWAK sa selda ang drug suspek na nahuli sa Purok 3, Brgy. Magatas, Sibulan, Negros Oriental at nasabat pa ang 400 na gramo ng shabu na may halagang P2.72 milyon noong Lunes.

Nakilala ang suspek na si alyas Macmac, 33, ayon kay Negros Island Police director PBGen. Arnold Thomas Ibay.

Nahuli ang suspek dakong alas-3:11 ng hapon nina P/Capt. Jonah Acal at P/Lt. Col. Marlon Mallorca sa utos ni PCol. Criscente Tiguelo.

Ang operasyon laban sa suspek ay sumunod sa panuntunan ng Section 21 ng RA 9165.