Calendar
Maynila makakaraos sa problema sa pananalapi sa 3 taon
KUMPIYANSA si Manila Mayor Isko Moreno na makakabangon sa financial distress na dulot ng ng nakaraang administrasyon ang syudad sa loob ng tatlong taon.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, nababanaag na niya ang pagbangon ng lungsod mula sa patung-patong na utang at obligasyon dahil umuusad na ang lokal na pamahalaan mula sa kritikal na kalagayang pinansyal patungo sa mas maayos na pamamahala ng pondo.
βAng naunang pagtataya na aabutin ng apat na taon bago maibalik sa normal ang takbo ng pananalapi ay bumilis at inaasahang matatapos sa loob ng tatlong taon lang,β pagtiyak ni Yorme Isko Moreno.
Ang pag-usad na ito ay bunga ng maingat na pamamahala at mahigpit na disiplina sa pananalapi na naglalayong tiyakin na bawat pondo ay ginagamit ng responsable.
Magugunita na halos lahat ng utang ng Maynila sa ibaβt-ibang public utilities, tulad ng Meralco, Maynilad, Internet provider, telepono, at iba pa ay nabayaran na sa maikling panahon.
Unti-unti na ring nababayaran ng pamahalaang lungsod ang mga obligasyon sa mga senior citizen, persons with disabilities, single parents, estudyante, pulis, bumbero, jail officers at iba pa na hindi na naibigay noon pang 2024.
Sa pagsisimula ng bagong taon, pinagtitibay ng Maynila ang pangako sa responsableng pamumuno, mahusay na paggamit ng pondo, at tuloy-tuloy na serbisyo sa bawat ManileΓ±o.

