Calendar
Ang murder suspek habang binabasahan ng kanyang mandamyento de aresto matapos maispatan sa loob ng MPD District Drug Enforcement Unit Custodial Facility sa MPD headquarters, UN Avenue, Ermita, Manila.
Truck driver biyaheng presinto dahil sa kasong pagdedo
ARESTADO ang 50-anyos na truck driver sa inilatag na intelligence driven police operation ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong murder, matapos maispatan sa loob ng MPD District Drug Enforcement Unit Custodial Facility sa Ermita, Manila, umaga ng Lunes.
Ang suspek na nakilala sa mga alyas na “Adel Amin” at “Nanding Adil” ay tubong Lanao Del Sur, binata, drayber ng trak at nanirahan sa Bistek Ville 2, Barangay Kaligayahan, Quezon City.
Kabilang siya sa talaan ng most wanted person sa district level para sa krimeng murder.
Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, chief ng DPIOU-MPD, nagsagawa ng nasabing operation sa pangunguna ni PLt. Ryan O. Valenzuela, assistant chief ng DPIOU, sa patnubay ni PLt. Col. Robert C. Sales, OIC DID/D2, na nagresulta sa pag-aresto sa suspek.
Bitbit ang arrest warrant ng mga awtoridad para sa krimeng pagpatay na inisyu ni Presiding Judge Lucia P. Purugganan ng Regional Trial Court Branch 30 ng Manila, na walang rekomendasyong piyansa at may petsang Setyembre 2, 2011.
Ang naarestong akusado ay mananatiling nakakulong sa MPD District Drug Enforcement Unit Custodial Facility bago ibalik ang nasabing arrest warrant sa court of origin at habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

