Calendar
Mayor Isko ininspeksyon pagtatayuan ng bagong PLM building
ININSPEKSYON ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang bahagi ng lumang Ospital ng Maynila noong Martes bilang paghahanda sa itatayong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Allied Health Sciences building.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, layunin ng proyektong ito na palakasin ang kakayahan ng PLM sa paghubog ng mga magiging doktor, nurse, at iba pang health professionals.
Umaasa si Mayor Isko na matatapos ang bagong PLM building sa loob ng dalawang taon dahil noon pa niya binalangkas ang plano dito.
Kaugnay nito, tiniyak din ng alkalde na ipapaayos niya ang emergency room ng bagong Ospital ng Maynila tulad ng ginawa sa Ospital ng Sampaloc upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyong medikal sa mga Manileno.
Nais din ng alkalde na magtayo ng Derma Clinic sa bahagi ng parking space ng naturang pagamutan upang makapagsilbi sa mga Manileno na may sakit sa balat.
Kasama ng alkalde sa pagbisita sina City Engineer Armando Andres, Manila Health Department OIC Dra. Grace Padilla, City Electrician Randy Sadac at Ospital ng Maynila director Dr. Bernadine Martin Baradi.

