Calendar
Kinilala ni Police Major Kevin Rey Bautista ang suspek na may kasong murder at frustrated murder matapos matimbog ng mga operatiba ng DPIOU-MPD sa Calamba, Laguna. Kuha ni JONJON C. REYES
ELECTRICIAN SWAK SA SELDA SA KASONG MURDER, FRUSTRATED MURDER
ARESTADO ang isang 30-anyos na electrician sa inilatag na operation ng mga operatiba ng MPD DPIOU dahil sa kasong murder at frustrated murder matapos maispatan sa Flying V Gas Station sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Brgy Turbina, Calamba City, Laguna, Martes ng gabi.
Nakilala ang suspek na si Romeo Diaz alyas Roy ,30, tubong Antique,binata, electrician, at kasalukuyang naninirahan sa Purok 9 Brgy San Lorenzo, Lower Sta Elena, Camarines Norte..
Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, chief ng District Police Operation Unit ng MPD bandang 11:50 ng gabi ng magsagawa ng SImultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pangunguna ni PLT Ryan O Valenzuela, Assistant hepe, DPIOU sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Kevin Rey D Bautista at sa patnubay ni PLT.Col. Robert B Sales, OIC, DID/ D2-MPD.
Ang operation ay nagresulta sa pag-aresto sa akusado para sa kasong murder kung saan walang piyansang inirekomenda, at sa kasong frustrated murder na may inirekomendang P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Janice R Yulo-Antero, ng Manila Regional Trial Court Branch 16 nang arestuhin ang suspek.
Ang mga naarestong akusado ay pansamantalang ikukulong sa pasilidad ng MPD Integrated Jail bago ibalik ang nasabing WOA sa court of origin, habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

