BOC

P36M smuggled na sibuyas naharang ng BOC

233 Views

NAHARANG ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro ang 12 container van na naglalaman ng smuggled na agricultural products na nagkakahalaga ng P36 milyon kahapon.

Nagpalabas ang district port collector na si Atty. Elvira Cruz ng Pre-Lodgement Control Orders (PLCOs) laban sa kargamento matapos na makatanggap ng impormasyon na hindi idineklara ng tama ang mga laman nito.

Galing ang shipment sa China at idineklara na naglalaman ng “spring roll patti” at “plain churros.” Ang Frankie Trading Enterprises ay Primex Export and Import Producer ang consignee ng mga kargamento.

Nang buksan ang mga container ay nakita rito ang sako-sakong pula at putting sibuyas.

Agad na naglabas ng Warrants of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, at Anti-Agricultural Smuggling Act.