PDEA Nagbigay ng pahayag si NBI Director Atty. Angelito Magno kaugnay sa pagkakasamsam ng mahigit P25 milyong shabu sa NAIA complex sa Pasay City.

P25M shabu nasamsam sa NAIA

Jon-jon Reyes Jan 17, 2026
151 Views

NAKASABAT ang NAIA-IADITG, na binubuo ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID), Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC- CAIDTF) at PNP Aviation Security Group, ng mahigit P25 milyong shabu  sa PAIR-PAGS Center sa NAIA complex sa Pasay City.

Ang kabuuang timbang ng mga nasabat na iligal na droga ay umabot sa 16,848 gramo at may tinatayang halaga na P114,566,400 at may street value na P25,272,000.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ang operasyon ay nagresulta sa pagsamsam ng ilang mga kahon na balot ng packaging tape na may markang “X.”

Binigyang-diin ni NBI Director Atty. Angelito Magno na hindi natitinag ang pangako ng NBI na lalaban sa mga sindikato ng droga.

“Sa pamamagitan ng pagtutulungan, ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas ay may mahalagang papel sa tagumpay ng mga operasyon upang lansagin ang mga network ng droga,” sabi ng NBI director.