Chi

Buling-buling dance fest dinaluhan ni VM Chi

Edd Reyes Jan 19, 2026
158 Views

SUMALI si Manila Vice Mayor Chi Atienza sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño sa Pandacan kasabay ng 2026 Buling-Buling Street Dance Festival.

Religious at historical tradition ang Buling-Buling kung saan sumasayaw ang mga attendees habang nakasuot ng Barong Tagalog ang mga lalaki at nakasaya o Filipiniana terno naman ang mga babae.

Nakisayaw si VM Chi kasama ng libu-libong devotees, barangay officials at cultural na ginanap sa dance procession. na ginanap sa Liwasang Balagtas.

“Kumapit tayo kay Santo Niño, sa Panginoon, sa ating puso at sa ating pananampalataya, kahit ano pa man ang pinagdaraanan ng bawat isa sa inyo, naniniwala ako malalampasan natin basta sama-sama tayo,” sabi ng vice mayor.

Kinatawan ng vice mayor si Mayor Isko Moreno na nasa Singapore para daw mag-aral.

“Nakita ko, he also had child-like faith like Santo Niño, na hindi natin naramdaman ang hirap na pinagdaanan ng administrasyong ‘to at gumawa siya ng paraan para mabigay pa rin sa atin ang kanyang ipinangako,” sabi ni Atienza.