Liza

Netizens natuwa sa pag-unfollow ni Liza kina Enrique, Jeffrey

Vinia Vivar Jan 20, 2026
494 Views

Usap-usapan na naman ngayon sa social media si Liza Soberano matapos mapansin ng matitinik na netizens na in-unfollow na niya sa Instagram ang ex-boyfriend niyang si Enrique Gil at ang dating na-link sa kanya na si Jeffrey Oh.

Nang i-check namin, wala na nga sa following list niya ang dalawa.

Ang ibang fans ay natuwa sa aksyong ito ni Liza at komento pa ng isa, “finally free” na ang aktres.

Matatandaang inamin ni Liza last year na matagal na silang break ni Enrique habang si Jeffrey naman ay natsismis na boyfriend niya noong 2024 nang mamataan silang magkasama sa Singapore.

Magugunita ring si Jeffrey ang dating kasosyo ni James Reid at katuwang sa pagma-manage sa career ni Liza.

Walang inilabas na denial o confirmation ang actress tungkol sa alleged relationship nila ni Jeffrey.

Hanggang ngayon, wala pa rin siyang ipinakikilalang bagong boyfriend after Enrique.