Barbie Barbie Imperial, Richard Gutierrez, Bela Padilla, Gerald Anderson at Baron Geisler

Barbie tungkol kay Richard: Kung ano nakikita, yun na!

Eugene Asis Jan 20, 2026
262 Views

MATAPOS i-announce ng produksyon na nasa likod ng bagong serye sa ABS-CBN nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson na makakasama rito si Barbie Imperial na matagal nang natsitsismis na may relasyon sa una, mabilis na nagkaroon ito ng follow up. At kaugnay ng seryeng ‘Blood vs Duty’ kung saan kasama rin sina Bela Padilla at Barton Geisler, may interbyu pang ginawa ang mahusay na TV entertainment reporter/ host na si MJ Felipe kina Richard at Barbie para sa ‘TV Patrol.’

Noon pang 2024 kumalat ang tsismis na may relasyon na nga sina Barbie at Richard. May sightings sa dalawa, at may mga lumabas pang litrato sa social media, na kahit blurred ay pinagpistahan ng netizens.

Sa una’y itinanggi, lalo na si Barbie, at si Richard naman ay puro ngiti lang ang isinasagot. Nitong huli ay napapadalas ang mga sighting sa dalawa, na ang isa’y sa South Korea kung saan nag-taping ang aktor para sa Kapamilya action series na “Incognito.”

At narito ang sagot ng dalawa sa interbyu ni MJ Felipe: “Matagal na naming iniisip na what if magkatrabaho, eto na ‘yun finally. Thanks to ABS-CBN ,we were given the opportunity to work together,” ang pahayag ni Richard.

“It’s refreshing makikita rin kami ng audience together, on-screen. We really try to live privately, away from social media. But now we’re gonna be working together,” dagdag pa ng aktor.

Hirit naman ni Barbie, “Hindi na ako bibisita sa set ng ‘Incognito.’”

Paliwanag ni Barbie kay MJ, “Can I just say that we weren’t hiding. We just chose to have a private relationship talaga, ‘coz we know na ayaw namin ng, even I… what people don’t know they can’t ruin.”

Tumango naman si Richard, “I agree from the beginning, ganu’n talaga. We wan’t to keep things private. Mas relaxed ‘yung ganu’n, mas gusto namin ‘yung ganu’n.”.

So, kinukumpirma na ba nila ang kanilang relasyon? Sagot ni Barbie, “Sabi nga niya (Richard) sa isang interview ni Tito Ogie (Diaz), what you see is what you get? Yeah, ‘yun na ‘yun.”