LRT2

LRT-2 naghahanda na para sa pagdagsa ng mga estudyante

186 Views

NAGHAHANDA na ang Light Rail Transit Line 2 sa inaasahang pagdagsa ng mga estudyante sa muling pagbubukas ng klase.

Ayon kay LRT Authority administrator Hernando Cabrera nasa 25,000 estudyante ang kanilang inaasahang sasakyan sa LRT-2.

Magbibigay ang LRT-2 ng libreng sakay sa mga estudyante sa mga partikular na oras at araw mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022.

Libre ang pamasahe mula Lunes hanggang Sabado at may bayad kapag Linggo.

Mabibigyan naman ang mga estudyante ng 20 porsyentong discount kung hindi libre ang kanilang pamasahe.

Hindi naman libre ang mga estudyante sa graduate school at ang mga kasama o maghahatid sa estudyante.

Naiayos na umano ang mga palikuran ng mga istasyon at ang mga tren ay sumasailalim sa disinfection sa dulong istasyon bago muling bumiyahe.