Surigao

Barobo, Surigao del Sur mayor inambush,sugatan

244 Views

Surigao1Surigao2Surigao3Surigao4TINAMBANGAN at nasugatan ng hindi pa nakikilalang suspect ang mayor ng bayan ng Barobo sa Surigao del Sur, ayon sa pinakahuling ulat.

Batay sa inisyal na ulat, naganap ang pananambang kay Mayor Ronito Martizano sa Barangay Dughan.

Tadtad ng bala ang sasakyan ng alkalde at may bakas din ng dugo ang loob ng sasakyan.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag kung ano ang kalagayan ng alkalde at kung may mga nasaktan ba sa kanyang mga kasamahan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Barobo Municipal Police Station para matukoy ang motibo ng krimen at makilala ang mga taong nasa likod nito.

Hinigpitan narin ang seguridad sa lugar habang patuloy ang ginagawang pursuit operation ng mga awtoridad sa mga suspects.

Nanawagan din ang PNP sa sinoman na may impormasyon o nakasaksi o may hawak ng CCTV footage na maaring makapagturo sa mga suspect at makatulong sa pagresolba ng krimen na makipagtulungan sa mga awtoridad.