Rider Dead on the spot ang Lalamove rider matapos magulungan ng trailer truck sa kahabaan ng San Marcelino St. corner United Nations Avenue, Ermita, Manila. JONJON C. REYES

LALAMOVE RIDER NASAGI, NAGULUNGAN NG TRUCK, DEDO

Jon-jon Reyes Feb 7, 2026
165 Views

Rider1Rider2Rider3DEAD on the spot ang isang Lalamove rider matapos magulungan ng truck sa kahabaan ng San Marcelino Street corner United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Ang biktima ay nawalan ng balase hanggang sa magulungan ng kasunod nitong trailer truck sa kahabaan ng San Marcelino St., United Nations Avenue, Ermita, Manila, Sabado ng umaga.

Nakilala ang biktima na alyas “Dennis,” nasa hustong gulang.

Ayon sa report, bandang 10:20 ng umaga ay nakasakay ang rider sa kanyang motorsiklo na Mio Gear na may plate no.69400Y at binabaybay ang southbound lane ng San Marcelino Street.

Biglang gumewang gewang ang motorsiklo na sinusundan ng trailer truck.

Nasagi ng truck ang motorsiklo. Nawalan ng balanse ang rider at nagulungan ng truck.

Agad kinordon ang lugar ng mga rumespondeng pulis kasama ang mga kagawad ng MTPB.

Dinala sa funeral parlor ang labi ng biktima habang nasa Manila District Traffic Enforcement Unit ang driver ng truck para sa imbestigasyon.